photo credit: www.google.com
Ang kahilingan ni Deo
ni Jose Mico Tambalo
Buong gabing hindi nakatulog si Deo. Hindi siya mapakali sa kakaisip sa nalalapit niyang kaarawan. Sampung araw na lang ang nalalabi bago mag ika-20 ng disyembre at darating na rin sa wakas ang matagal na niyang hinihintay.
Gayunpaman, isang bagay lang ang hinihiling ni Deo sa kanyang kaarawan at iyon ay ang magkaroon ng PSP. Inggit na inggit talaga siya sa tuwing ibinibida ng kalaro niyang si Tantay ang magara nitong PSP galing pang Saudi. Hindi lang yan, ikinukuwento rin nito sa kanya ang mga magaganda at nakakabilib na mga laro sa kanyang PSP. Dagdag pa niya, nakakalibang ito ng sobra at hindi nakakasawang ulit-ulitin.
"Inang, gusto ko rin pong magkaroon ng PSP, yung tulad kay Tantay." Sabi niya minsan sa kanyang ina. "Sige na po inang." Tahimik lang si Aling Cora. Alam na alam nitong hindi biro ang kahilingan ng anak. Lubhang napakamahal ng PSP at kahit isang linggong labahan pa ang kanyang tanggapin ay mahihirapan siyang pantayan ang presyo nito. Sayang lang ang perang kikitain niya sa paglalabada kung ibibili lang ng PSP. Katumbas na siguro ng halaga nito ang limang kilong bigas na kakailanganin nila sa tuwina, isang basket ng daing at tuyo na uulamin nila sa buong linggo at isang buwang suplay ng kape't asukal na tutunggain nila araw-araw.
"Sige na po inang, sige na po." Paulit-ulit na sambit nito habang hinihila-hila ang saya ng ina. Nanatili pa ring tahimik si Aling Cora at sinabuyan ng makahulugang tingin ang anak. Alam na alam na ni Deo kung ano ang ibig na ipahiwatig ng mga tinging iyon, hindi maibibigay ng kanyang ina ang kanyang hinihingi. Nanamlay bigla ang mukha ni Deo kasabay ng pagpungay ng maamo niyang mga mata. Kapagkuwa'y umakyat ito sa kanyang silid at umupo sa tapat ng bintana at pinagmasdan ang kalarong si Tantay na nasa itaas ng punong balete habang naglalaro ng kanyang PSP.
Kinaumagahan ay tumanggap ng napakaraming labahan ang ina ni Deo. Hindi niya mawari kung bakit sapagkat sa pagkakaalam niya'y tig-lilimang basket ng labahan lamang kada araw ang tinatanggap nito. Gayunpaman ay hindi na nag-atubiling magtanong pa si Deo sa ina at gumawa na lamang ito ng maliit na parol na gawa sa pinaglumaang ritaso at lumang dyaryo.
Dumating na rin sa wakas ang kaarawan ni Deo. Gaya ng nakagawian ay ganoon pa rin ang ayos ng kanilang tahanan. Walang masasarap na putaheng nakahain sa mesa, walang makukulay na lobo't sorbetes, walang keyk at higit sa lahat, walang sinuman ang naroroon upang batiin siya. Kahit na ang kanyang butihing ina ay tahimik lang at walang kibo habang pinagmamasdan siya. Mayamaya'y isang maliit at makulay na kahon ang pumukaw sa natutulog na diwa ni Deo. Nakapatong ito sa ibabaw ng mesa at may katabing sulat. Pamilyar sa kanya ang sulat-kamay kaya marahan niya itong binasa.
Sa pinakamamahal kong anak,
Paumanhin kung di kita magagawang batiin sa kaarawan mo. Tandaan mo, kahit hindi ako nakakapagsalita ay nais ko pa ring ipabatid sa iyo na binabati kita ng maligayang kaarawan at maligayang pasko. Nawa'y magustuhan mo ang munti kong regalo.
Nagmamahal, Nanay Cora
Kaagad niyang binuksan ang kahon at tumambad sa kanyang paningin ang itim at bagong PSP na araw-araw niyang pinangarap. Biglang nagka-ilaw ang kanyang mga mata at sumabay sa saliw ng hanging amihan ang kanyang hagikhik. Tangan ang PSP ay tumakbo siya sa kinaroroonan ng ina at buong higpit niya itong niyakap.
"Maraming salamat inang, maligayang pasko rin po sa inyo".

The executioner and the hearts
By Mdpn. Tambalo, Jose Mico C.
December 24, 1990. One hour before midnight.
“Mary’s born child, Jesus Christ was born on Christmas day
Hark now hear the angels sing, the king was born today”
A carol song could be heard from the distance. The ice-cold southeast monsoon played its freezing trick under the glorious shine of the full moon’s magnificent rays. Everything was fine. Nothing could be heard but the joyful carol song coming from the nearby street. The sanctity of the ambience signifies nothing but the perceptible quintessence of the consecrated night.
“Be careful with the gifts Nancy.” A voice coming from the lofty house broke the stillness of the place. It was a huge house made of bricks, coated with a brilliant combination of yellow and light green paint. Behind its iron fence stood of big sign filled with rust and cobwebs. Yet, the words written on it were still visible. The old signboard says, “HEATHERVILLE RESIDENCE”.
“Si señor”, a quick reply was heard. After a minute or two, mysterious noises could be heard inside the house. There was a scream of a woman. Then, the lights went on and off. Not long after that occurrence, dead bodies were found.
***
Michigan fast food house, 9:00 pm
“This case is indeed peculiar Karl. We’ve been trying everything but it seems that this case will remain a mystery”.
Detective Nicholas Guinto handed an old, filthy newspaper which registered on the date December 24, 1995 to Police inspector Karl Jefferson Haro. The headline says—Christmas goblin attacks again!
“The first victims were murdered by removing their hearts and that was way back in 1990. There’s a possibility that the executioner of this intolerable crime is a lunatic psycho or a member of a cult. I’m not sure but we have to uncover the mystery Nic, the best way we can.”
Police inspector Karl Jefferson Haro crumpled the newspaper and throws it unswervingly to the garbage can. The two left their unfinished meal and hurriedly went back to their sleek Ferrari and head their way to Springwood.
***
“Hehehe…two more human hearts and my collection will be completed.”
Holding a young heart filled with blood. She gladly savors its fresh fragrance and slowly put it inside a vast glass container together with the other human hearts she’ve collected earlier. After doing this, she put her spiky, razor-sharp blade beside her bed and uncovers her hideous face with a thick face mask which hides her entire identity. In her entire lifetime, she was not able to relish the beauty of the world. She was not able to experience love from her family and from the people who possesses the same blood like hers. She was tortured by them, neglected and harmed. She was nothing but a deplorable creature. Who would think of accepting her if she has a congenital disorder and was the reason why her mother died at the moment she delivered her? Because of this, her father and the rest of their clans cursed her, and you know what she did? She made them paid and she did that on the 24th day of December, year 1990.
She loves collecting human hearts, in fact, she has already 98 pieces of them and two more to go, her collection will soon be completed. No one can impede her malevolent deeds for no one knows who really she is and her identity is under secrecy. She is the Christmas goblin—that’s the name she was known all throughout the time of her horrifying subsistence. The news that two of the town’s greatest investigators were after her, reached her ear. “Well, they’ve already found their way to their own graves and their hearts will be the compliment to my numinous collection.”
***
“I have heard that Detective Nicholas Guinto and Police inspector Karl Jefferson Haro met an accident last night on their way to Springwood. Let me take care of them.” Dr. Grace whispered to a nurse holding a tray of medicine outside the two investigator’s room.
“You can go now, I can manage here.” She said to her. She slowly tiptoed inside the room and put the tray on top of the table and watched the two as they sleep like a log. After five minutes the two woke up and were surprised to see Dr.Grace smiling at them cheerfully. Nicholas slowly moved his numb legs and intends to rise up but he couldn’t, the car accident was too lethal that his entire body parts do not respond, the same with Karl who could not believe their misfortune.
“Searching for Christmas goblin right?” She asked them. The two moved their heads up and down as a response. “And you failed to find her?” She asked again. The two nodded again. Dr. Grace takes off her white coat and throws it on the floor. She locks the door and sealed the windows with thick curtains. “And you’re planning to kill me right?” The two were terrified. “How unlucky you are, your destinies are in my hands and your blameless deaths will take place as soon as I leave this room.”
***
She went out of the two investigator’s room filled with thick and fresh blood which was not hers. She smiled. “At last, I did it. ” Holding two human hearts reddened with fresh blood, she is Dr. Grace Del Carmen Heatherville…the Christmas goblin.
Mag-ingat sa kulam: nakamamatay!
Ni Mdpn. Jose Mico C. Tambalo
Paalala lamang po. Ang kwentong inyong matutunghayan ay nababalot ng itim na kapangyarihan. Kung maari sana’y siguraduhing may kasama kayo bago basahin ang mga susunod na saknong sapagkat kung hindi….hihiwalay nang kusa ang inyong kaluluwa sa inyong katawan dahil sa sindak at takot (maniwala ka).
Naniniwala ba kayo sa kulam? Kung ganoon ay tungkol dito ang kwentong inyong matutunghayan. Ang kwento ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Mercedes na kabit ni Leo na asawa ni Marie. Pero tungkol ito sa kulam at hindi sa pangangabit.
Nagsimula ang lahat ng mahuli ni Marie si Leo na may kahalikang ibang babae sa pusod ng madawag na kasagingan at iyon nga ay walang iba kundi ang kalaguyo niyang si Mercedes. Dahil sa pagkakasuklam sa asawa ay nagpasya siyang ipakulam ang kalaguyo nito kaya dali-dali niyang tinungo ang kubo ni Impong Ursula (Ang mangkukulam siyemre alanga namang nars. May nars bang kumukulam?).
“Impo, ipapakulam ko po ang kabit ng asawa ko.”
“Ano bang klaseng pagkulam ang gusto mo iha?”
“Kayo na po’ng bahala basta’t ang mahalaga ay magtanda na ang Mercedes na yan!”
“Alam mo kasi iha, may promo kami ngayong taon. Kapag isanlibo pataas ang ibinayad mo ay nagbibigay kami ng libreng cellphone. Kapag kalahati nama’y libreng sim card ang binibigay namin, ‘yung iniindorso ni Sarah Geronimo. Kapag medyo kapos naman ang badyet mo ay mayroon ka pa ring libreng panyo. Kung wala ka talagang pambayad eh lumayu-layo ka na’t baka ikaw ang kulamin ko.”
Dahil may Wifi at Dota ang libreng cellphone ay isanlibo ang ibinayad ni Marie kay Impong Ursula. Natuwa naman ang matandang mangkukulam kaya dahil sa sobrang tuwa ay napahalakhak ito ng malakas hanggang sa tumilapon ang kanyang pustiso sa loob ng mainit na pugon.
“Nais ko po sanang pasukahin ninyo ng semento ang hayop na kerida ng asawa ko!”
“Masusunod iha.”
At nag-orasyon si Impong Ursula. Pagkatapos ng taimtim na dasal na hindi naman maintindihan kung latin o jejemon o bisaya ay pumuwesto ito sa harap ng isang Barbie doll (Ito ang ginagamit niya sa pangkukulam). Kapagkuwa’y muli itong nag-orasyon ng ubod lakas at paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ni Mercedes. Nagtatalsikan ang malapot na laway mula sa bibig ni Impong Ursula na may kasama pang nganga at buto ng tilapia na inulam niya sa agahan. “Wet and wild” si Marie dahil basang-basa na ng laway ang kanyang mukha. Pagkatapos nito’y hinigop ng matanda ang kapeng barako mula sa tasang nakapatong sa maliit na misang kaharap niya na may larawan ng nakabikining babae. Ibinuga niya ito sa Barbie doll at binuhusan ng dinikdik na bato at kaunting semento ang bibig ng manika.
“Bwahahaha! Tinitiyak kong maninigas ang katawan ng kabit mo este ng kabit ng asawa mo.”
“Mabuhay ka Impong Ursula! Mabuhay ka kahit mukha kang bangkay! Ngayon ay tinitiyak kong titigilan na ni Mercedes ang mister ko. Bwahahaha…uhu..uhu (ubo)”.
Kinaumagahan ay nagkagulo sa bahay nina Mercedes. Maraming tao ang nakiusyuso at kasama na sa mga tsismosong ito si Marie. Upang hindi mabisto ay nagkunwari siyang walang alam sa mga nangyari. Nilapitan niya ang isang bungal at pilay na bakla na walang patid sa pagputok ang maingay na bunganga.
“Anong nangyari kay Mercedes?”
“Kinulam yata. Sumuka at tumae ng semento.”
“Eh ano pa ang sunod na nangyari?”
“Hayun, ipinasemento nila ang kanilang kusina at tapat ng bahay. Pati ang lubak-lubak nating kalsada ay balak nilang isunod.”
Lihim na natawa si Marie. Kung tutuusin, may maitutulong rin pala ang pagpapakulam niya sa kabit ng kanyang asawa. Ilang politiko na ang nangakong ipapasemento ang kanilang kalsadang animo’y impyerno na kapag bumuhos ang ulan ay nagiging kumunoy. Subalit, ni isa sa mga ito ay walang tumupad sa kanilang pangako.
Kinabukasan ay pumanaw na si Mercedes dahil sa matinding panghihina ng katawan at paninigas ng mga kalamnan. Gayunpaman, kapansin-pansing sementado na ang lahat ng mga daanan sa nayon. Dahil dito’y isang piging ang inihanda bago siya inilibing at may mga inimbitahang artista at mang-aawit buhat pa ng Maynila.
Nakangiting lumapit si Marie sa kabaong. Anyong masaya ito sa pagpanaw ng kanyang kaaway. Datapwat, bigla itong napaatras nang bumukas ang mga mata ni Mercedes kasabay ng pagbangon nito. Nanlilisik ang kanyang mga mata kay Marie na noo’y nangangatog na sa matinding takot.
“Akala mo siguro hindi ko alam na ikaw ang nagpakulam sa akin anu? Nang dahil sa’yo ay hindi ko na nagawang panoorin ang “Kahit puso’y masugatan”. Nang dahil sa’yo ay hindi ko na nasubaybayan ang teleseryeng “A beautiful affair” kaya pagbabayaran mo ito ng mahal! Bilang ganti ay sinusumpa kita, habambuhay na lalabas sa bunganga mo ang mga bakal na sindami ng balahibo sa iyong katawan at marmol na sintigas ng iyong damdamin!”
Kasabay nito’y bumalik sa pagkakahimlay ang katawan ni Mercedes. Dali-daling tumakbo papalayo ang takot na takot na si Marie. Pagkaraan ng tatlong araw pagkatapos ng libing ay marmol na ang sahig ng tirahan nina Leo at Marie.
Kaya naman kayong mga mambabasa, ‘wag kayong gumamit ng mga kapangyarihang itim sa pagtuligsa sa inyong kapwa sapagkat walang katiyakan ang inyong kapalaran. Magtagumpay ka mang gamitin ito ay bigo ka pa rin sapagkat doble-dobleng kamalasan ang babalik sa iyo. Kaya tara na…spirit of the glass na lang tayo, mas cool ‘yun di ba?
Biyahe
By Mdpn Jose Mico C. Tambalo
Matagal-tagal ko na ring pinapangarap na magkaroon ng isang mabuting buhay, magkaroon ng sariling pamilya at makapagpatayo ng desenteng tahanan para sa aking asawa’t mga anak. Datapwat sa kabila ng aking mga mabubuting hangarin ay kabaliktaran ng lahat ang siyang dumating sa akin. Pinanganak yata akong may kakambal na malas.
Tatlumpung taon na ako. Nasa tamang edad na upang makapag-asawa. May sapat ng kaalaman kung ang paksang pag-uusapan ay patungkol sa pamilya. Subalit mukhang malabo yata na makakapag-asawa pa ako. Sa pagputi pa siguro ng uwak darating ang babaeng nakatadhana para sa akin. Pitong beses ko ng tinangkang maghanap ng isang Eba na kayang magpatibok ng aking puso, handang sumabay sa akin sa biyahe ng buhay. At higit sa lahat ay magbigay katuparan sa pinapangarap kong sampung supling na lalaki at limang babae.
Subalit talagang mailap ang tadhana sa akin. Sa pitong babaeng nakilala ko ay wala ni isa mang tumagal. Silang lahat ay pawang mga peke at dinisenyo lang ng kung sino upang ako’y gawing katawa-tawa sa paningin ng madla. Nagmukha tuloy akong sira ulo sa aking mga magulang na matagal-tagal na ring pinapangarap na magka-apo.
Una kong nakilala si Jane. Seksing dalaga. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan. Nainlab ako sa kanya at ganuon rin ang naramdaman niya para sa akin. Subalit kalaunan ay napag-alaman kong may asawa na pala siya. Diyos ko po! Nagmukha tuloy akong kerido.
Pangalawa si Kathy. Kagaya ni Jane, isa rin siyang magandang dilag na bumihag sa aking puso. Naglalaway tuloy ako sa tuwing makikita ko siyang naka miniskirt at naka-tsunami walk pa tuwing maglalakad. Subalit kasabay niyang naglaho ay ang dalawang sakong bigas namin. Napakasakit di ba? Tinakasan ka na nga, ninakawan ka pa.
Sunod namang bumuhay sa aking mundo si Meriel. Sa dalawang nauna ay siya lang ang masasabi kong nagmahal sa akin ng tapat at totoo. Dinala niya ako sa kanyang mundo at doo’y masaya kaming namuhay. Sa kanyang paraiso, lahat ng makikita mo ay lantay ng ginto. Wala kang makikita kundi pawang mga palasyo at dambuhalang mga ibon. Subalit nagising na lamang ako isang araw na nasa paanan na pala ako ng Balete na nasa bakuran namin. May nagmahal nga ng tapat sa akin kaya lang….engkanto pa.
Pang-apat sa listahan si Apple. Isang mahinhin na dalaga. Larawan siya ng tunay na gandang Pilipina. Sa tuwing siya’y aking makikita ay naaalala ko ang kuwento tungkol kina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, siya’y aking niligawan at sinuyo sa mismong tahanan nila. Subalit alam niyo kung ano? Itak, pana, sibat at kumukulong tubig ang sumalubong sa akin. Muntik pa tuloy akong mapatay nang pakawalan ng kanyang ama ang alaga nilang pitbol na animo’y limang dekada nang hindi kumakain.
Hindi pa rin ako sumuko sa aking misyon na makahanap ng mapapangasawa. Kalaunan ay aking nakilala si Lorraine. Isa siyang manilenya at modernong dalaga. Lagi ko siyang nakikita sa kalsada at nakasuot ng kung anu-ano. Minsan naka-blusa siyang warak-warak ang tagiliran, minsan nama’y naka-jeans na may mga maliliit na butas sa puwitan. Makikita mo siya palagi sa gitna ng lansangan at sumasayaw. Tumatawa. Umiiyak. Kumakanta. Alam niyo na siguro kung ano siya.
Pang-anim sa listahan si Carlota. Pangalan pa lang ay maangas na. Maangas talaga dahil pinuno pala siya ng fraternity o gang ng mga tambay sa Quiapo.
At ang panghuli ay ang binibining si Jasmine. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko ay sa kanya ko lang muntikang ibigay ang aking sarili. Bakit kamo? Inakit niya kasi ako at kanyang dinala sa munti nilang tahanan. Aming pinagsaluhan ang isang matamis na sandali nang biglang….”TIK-TIK-TIK!”
“Ahhh….tulong! Aswang!”
Diyos ko po, aswang pala si Jasmine. Kung mamalasin ka nga naman talaga oh, nasa langit na sana kaya lang naging impyerno pa.
Pagkatapos mabigo sa pitong babaeng iyon ay hindi ko na itinuloy pa ang aking misyon. Tinigilan ko na ang paghahanap kay Eba sapagkat nagsawa na akong maglakbay pa. Hihintayin ko na lamang siya na kusang lumapit sa akin. Alam kong may mangyayari kapagka ako’y maniwalang hindi pa huli ang lahat. At kahit tumanda man akong binata ay may napatunayan naman ako at iyon ay ang pagiging mahinahon sa pag-abot ng aking mga adhikain. Kung sa tingin mo’y hindi para sa’yo ang isang bagay ay wala kang magagawa upang ito’y maangkin sapagkat mahihirapan ka lang. Ika nga-Lahat ng bagay ay may dahilan at iyon ang aking tutuklasin. Kaya kayo, mag-ingat kayo sa mga nagbabalat-kayong mga nilikha sa inyong paligid at baka kayo’y mapikot sa inyong paglalakbay.

Inay may aswang!
Ni Jose Mico C. Tambalo
Wala akong masyadong karanasan pagdating sa mga multo at maligno. Kahit pa sabihin nating nasa tamang gulang na ako ay wala pa akong nakikitang mga nilalang na kakaiba at nabubuhay lamang sa pusod ng kadiliman. Gayunpaman, ang kwentong gusto kong ibahagi ay hango sa karanasan ng aking kaibigan. Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga kaganapang hango sa tunay na buhay, pook at pangyayari na dinagdagan lang ng mga detalye para magmukhang henyo ang poging may akda at ang mga tauhan ay binayaran para manahimik.
Ika-24 ng Abril, taong 1991. Di pa uso ang cellphone at lata ng sardinas pa lang ang tanging gamit sa pag-uusap. Naka-upo ako sa tumba-tumba ni lola Shuning habang naghihintay sa pagpatak ng yelo sa siwang ng aming bintana. Limang oras akong naghintay pagkat sabik na sabik na akong maglaro sa malalaking tumpok ng niyebe at gumawa ng munting snowman. Pagkatapos ng limang oras na iyun ay bigla kong naisip, hindi pala umuulan ng yelo sa Pilipinas. Tumawa lang nang malakas si Lola Shuning buhat sa kinauupuan niya nang makita akong nakasimangot. Malakas na malakas ang tawa niya at halos umabot na sa tenga ang buka ng bunganga niya sa katatawa. Hindi pa nakuntento ay tumawa uli ito hanggang sa nahulog ang kanyang pustiso at gumulong-gulong sa sahig. Kaagad ko itong pinulot at ibinaon sa dumi ng kalabaw na nasa bakuran.
Mula sa di kalayuan ay natanaw ko si Negra, ang kaibigan kong maitim pero madaldal at tsismosa. Nang natapat na siya sa bakuran namin ay kaagad niya akong kinuwentuhan ng tungkol sa aswang na gumagala raw sa aming baryo. Aniya, may nabiktima na naman daw ito nung nakaraang gabi. Medyo may pagka tsismosa si Negra kaya talagang maniniwala kahit sino sa ano mang sasabihin niya. Halos lumuwa na nga yung mga mata niya sa kasasalita at tumulo ang kanyang mga laway pero ayaw pa ring paawat sa kakadaldal.
“Oy grabe talaga yung aswang tol. Tsugi yung mudrabels ni papang mojako sa kabilang kanto. Warak-warak yung tiyan at wala ng dugo.”
Kinilabutan ako hindi dahil sa kwento ni Negra kundi dahil sa hitsura niya habang nagkukwento. Kung makikita niyu lang ang mukha niya maalala niyu ang kontrabida sa The hill’s have eyes. “Ano ba naman yan Negra? Tumigil ka nga. Hindi naman totoo yan eh. Wala namang aswang. Panakot lang yan ng matatanda”,sabi ko sa kanya.
Tumawa-tawa lang si Negra habang pinagsasabihan ko. Ang lakas-lakas niyang tumawa at halos mawarak na rin ang bunganga niya sa katatawa. Sa sobrang laki ng bunganga niya ay may nahulog na puting bagay. Gumulong-gulong iyon sa damuhan at tumigil sa aking paanan. Dinampot ko at pinagmasdan, “Langya! Pustiso!” Dali-dali ko itong ibinaon sa dumi ng kalabaw sa aking likuran. Nagalit si Negra. Mas lalong naging katakot takot ang kanyang hitsura. Padabog itong umalis at hindi na kinuha ang pustiso niya. “Patutunayan ko sayu tol, totoong may aswang!”, wika nito kasabay nag walk out.
Matapos ang pangyayaring iyon ay tatlong linggo kong hindi nakita si Negra. Dati-rati ay araw-araw itong dumadaan sa bakuran namin at nagkukwento ng kung anu-ano tungkol sa mga nabuntis na dalaga sa bayan, mga nabiktima ng manyakis sa talahiban at mga nag-aaway sa tindahan ng bubble gum sa kabilang nayon. Dala na rin siguro ng pananabik sa maitim kong kaibigan ay kaagad akong bumisita sa bahay nila na malapit lang sa amin. Dumungaw ako sa pinto nila at kaagad naman akong binati ni Aling Murag, ang nanay ni Negra. “Aba anak mukhang napadalaw ka yata ah?”, sabay tawa nito hanggang sa may nahulog na pustiso mula sa bunganga niya. Pinulot ko ito at ibinaon sa pinakamalapit na dumi ng kalabaw.
“Aling Murag, andyan po ba si Negra?”
“Andito siya iho, dali pasok ka…”, sabi nito sabay takip sa bungangang walang ngipin.
Nakita ko si Negra sa kanyang kwarto at waring takot na takot nang makita akong papalapit. “O Negra kamusta ka? Bakit di ka na dumadaan sa amin?”
“Tol…may…may aswang. May aswang tol….”, tanging sagot niya habang tinuturo ang salamin sa harap niya. Sinipat ko ng tingin ang salamin. May aswang nga. Kulay itim at halos lumuwa ang mga mata. Nagtaka lang ako nang bumuka ang bunganga niya ay wala akong nakitang ngipin. Bigla kong namukhaan ang aswang sa salamin. “Negra, kamukha mo ang aswang oh…”Kaagad kumuha ng tuwalya si Negra at tinakpan ang salamin. Phingal-hingal niyang ikinuwento sa akin ang nangyari sa kanya nung nakaraang gabing pauwi siya.
Habang tinatahak niya daw ang madawag na talahiban sa gulod ay nakarinig siya ng kaluskos. Nilingon niya upang tingnan kung ano ang may likha ng ingay subalit wala siyang nakita. Nangatog ang kanyang mga tuhod at nanuyo ang kanyang lalamunan. Nang akma na siyang tumakbo ay may nilalang na bumulaga sa kanyang harapan. Anyong tao pero marusing ang ayos, nanlilisik ang mga mata at tumutulo ang laway mula sa kanyang bibig. At ang malupit pa daw ayon sa kanya ay nakakapagsalita ang nilalang. “Papa ummm…mama! Papa ummm…mama! Papapa ummm…mama! Papa ummm….mama! Break it down!”,paulit-ulit na sabi ng nilalang.
“Sino ka? Aswang ka ba?” sigaw ni Negra
“Tanga ka? Nanlilisik ang mga mata ko, tumutulo ang laway ko at may mahaba akong pangil, tapos tatanong mo kung aswang ako?” Sagot ng nilalang.
“Lumayo ka sa akin pangit na aswang ka!”
“Wow hiyang-hiya naman ako sa ganda mong negrita ka!”
Nang makakuha ng kaunting lakas ng tuhod ay walang anu-anong kumaripas ng takbo si Negra papalayo. Hinabol naman siya ng aswang habang paulit-ulit itong sumisigaw sa kanya, “Negra! Negra! Itim!itim! Takbo pa more Negra! Bigyan ng jacket yan!”
Sa kakasigaw ng aswang kay Negra habang tumatakbo ay may nahulog mula sa bunganga nito—isang pustiso. Pinulot ito ng aswang at ibinaon sa dumi ng kalabaw sa gilid at saka itinuloy ang paghabol sa kawawang bata. “Negra! Negra! Walang poreber!” Sigaw pa ng aswang.
Naawa ako sa kaibigan ko pero napalitan ng tawa ang awa ko nang lumuwa ang mga mata niya sa kakaiyak. “Ngayon tol naniniwala ka na sa akin? Totoong may aswang diba?” Natawa ako sa sinabing iyon ng kaibigan ko. “Haha! Aswang-aswang ka dyan. Baka may nangtrip lang sayu?”
Simula noon hindi na lumalabas ng bahay si Negra. Lagi na siyang nakakulong sa kanyang kwarto pagkat ayaw na niyang maulit pa ang kanyang karanasan. Habang ako? Hanggang ngayon pinagtatawanan ko pa rin siya. Hehe. Teka lang, nalaglag yung pustiso ko, mabaon nga sa dumi ng kalabaw.
Hay nakakapagod ang buong gabing padapu-dapo sa mga puno at kakahuyan. Ilang taon na rin akong uhaw na uhaw sa dugo at laman. Ganito talaga ang aking kapalaran bilang aswang. Maya-maya dadaku naman ako sa talahiban at magbabantay ng mabibiktima. Kapag dumaan ulit si Negra, hahabulin ko siya uli at lalaitin buwahahahaha!