Photo credit: www.goole.com
Ang paborito kong superhero
ni Jose Mico Tambalo
Noong ako'y musmus at uhugin pa lamang,
panonood ng telebisyon, yan ang tanging libangan
superherong astig, parating inaasam
sana sila'y makita't makausap ng harapan
Subalit sa lahat ng nagliliparang hero,
itong si superman ang siyang natipuhan ko
sa tindig niya't tikas, kakaiba ito
sapagkat katulad niya, ipinanganak akong gwapo
dahil sa inggit, pagiging hero'y sinubukan ko,
nagsuot ng kapa at pekeng maskulo
ginupit ang mamahalin at pulang bestido
hayan sa wakas! si superman na rin ako
Swosh! booom! kaawa-awang mga bisiro,
mga hinayupak na kambi'y siyang kinalaban ko
akin pang sinunod, bakang matigas ang ulo
pati biik nami'y pinagsisipa ko
diyos ko! Saktong dumating ang inay,
habang ang kawawang pusa ay aking binitay
kaya hayan tuloy at latigo ang lumatay
sa mura kung balat...ouch! aray! aray!
kaya ngayon,pagiging hero'y aking tinigilan,
sapagkat bugbog-sarado mga hayop sa aming tahanan
okey nayan atleast ako'y nag-enjoy naman,
kahit na nilatigo ni inay ang payatot kong katawan.

photo credit: www.google.com
Lumaya ka Pilipinas!
Ni Jose Mico C. Tambalo
Pagdurusang dinanas nitong lupang tinubuan,
Katulad ng sugat na hindi kayang lunasan,
Na kahit ilang siglo't taon ang dumaan,
Alaalang kay pait, di niya maiwan-iwan
Subalit Pilipinas, humayo ka't liparin,
Hangganan ng mundo, iyong basagin,
Kalayaang ninanais ay iyong maaangkin,
Sapagkat ika'y perlas na di kayang nakawin
Perlas ng silanganan ang turing sa'yo
Taglay mong alindog kanilang dinadayo,
Kaawaawang mga supling mo'y kanilang ginugulo,
Sapagkat nasisilaw sila sa kayamanan mo
Hindi ka isang ibon na kaya nilang silain,
Ika'y dangal ng mga angkang mahabagin,
Sapagkat ikaw ay isang bansang may damdamin,
Kaya't lumipad ka't lumaya sa hagibis ng hangin
Lumaya ka Pilipinas!
Lumaya kang ganap!
Ikampay ang 'yong bagwis sa makapal na ulap,
Humayo ka't maglakbay, kagitinga'y ikalat
Angkinin ang kalayaang kay tagal hinagilap.